Nakadungaw sa bintana ang tanong na nagbabadya
na kailanmay hindi maiaalis ang matinding kaba
nag babasakali sa pagdilat ng mga mata
tapos na ang giyera na sinasabi ng iba
tuluya ng nanghihina ang mga tao
isa isa nang dumadanas ng dugo
mga batang walang malay sa sakuna ng mundo
hanggang kailan nga ba matatapos ang labanang ito
nakaandusay sa sahig ang mga walang buhay
hindi mawari ang kinahinatnan ng pagkamatay
tulad ng mga dahong pinipitas mo ng walang dahilan
naisip mo ba ang pakiramdam ng punong naiwan
sabihin mo sa harapan ko
ano nga ba ang kasalanan ng mundong ito
tulad ng mga dahong pinipitas ng walang dahilan
naisip mo ba ang paakiramdam ng punong iniwan
sabihin mo sa harap ko
ano nga ba ang kasalanan mo sa mundog ito
ituro mo ang mga teroristang gustong sakupin ang luagar mo
o ituturo kita, ikaw na walang modo?