Nay ,tay mahal nyo pa ba ako
Nanay , tatay maayos pa ba kayo
Kung ganun bat kayo nag aaway sa harapan ko
Heto na nga ba ang katapusan ng sariling pamilya ko
Para sainyo ang lahat ng ito,pero anong ginawa nyo
Maawa kayo saakin,
Wag nyo naman akong sirain,
Marami pa akong pangarap na aabutin
Pinagsikapan ko iyon, at pinaghirapang gawin.
Nanay, tatay
Pakiusap ayusin nyo ang lahat ng iyan at pati ako ay nadadamay
Pati puso ko ay nasasaktan
Sa mga walang humpay ninyong sigawan.
Nanay,tatay
Hahayaan nyo nalang ba ako ditong Mag durusa at magdurugo
Hahayaan nyo nalang ba na ang mga pangarap ko ay maging abo
Hahayaab nyo nalang ba na akoy maging walang kwenta sa paningin nyo
Pakiusap nanay at tatay
Mag bati na kayo
Ng sa ganon hindi na lumayo ang loob ko sainyo
Ng sa ganon ay maabot ko na ang mga pangarap ko
Ng sa ganon ay mabuo na uli ang pamilya ko
Pakiusap,bago pa man ako mawala sa mundong ito.

nanay, tatay image
I BUILT MY SITE FOR FREE USING