Nagpapalitan ng masasakit na salita
Makikita, madalas hindi magkaintindihan
Puno na ang butsi at dak dak walang sawa
Nagkaka siga wan at nagkakatampuhan.

Tengang kawali sa iyong mga payo
Lagi nyang hinaing  pagod na ako sayo
Ganoon pa man hindi sya lumisan
Salamat sa pagiging totoong kaibigan.

Kahit masakit na ang mga kasu kasuan
kahit tagaktak ang pawis na dinadampian
kahit ilang problema na ang pasan
basta't pangarap ng kangyang mga anak nya'ymakamtan.

Hindi ko napagtanto ito noong bata pa ako
Ngayon ako'y nagsisisi sa tigas ng ulo
Naging pabaya, pasaway o ano pa man ang nagawa ko
sana'y mapatawad mo ako

Nay, ayos lang umiyak kung nahihirapan
Andito na ako para ikka'y damayan
halika rito ika'y hahagkan
at ikaw naman ang aking aalagaan.

Nay! salamat sa pagmamahal nyong walang hanggan.

nay!salamat  image
I BUILT MY SITE FOR FREE USING