ginoo napaka ganda ng umaga diba?
pero mas maganda kung tayo siguro ang magkasama
ginoo, araw araw nalang kitang nakikita
at araw araw nalang yata
araw araw na tumitibok ang puso ko sa saya
marahil ay hindi ako sapat sa iyo
hindi naman kasi ako perpekto
ginoo pagpasensyahan mo na at ako ay isip bata
pero wag kang mag alala ikaw lang ang laman nito at wala nang iba pa
ginoo,alam mo ba ikaw ang lagi kong nakikita
sa aking panaginip na kay ganda
ikaw rin lang naman ang naiisip ko sa umaga
pati bago matulog ikaw ang huling buntong hininga
ginoo, alam mo ba? na kahit may ibang binibining laman ang puso mo
na alam ko naman, alam ko na hindi magiging ako
tandaan mo ginoo, hindi parin ako susuko
mamatay man ako.