ilang beses ba akong titingala para abutin ang mga bituin
humiga sa ilalim ng ulap at mangarap na ikaw parin
hanggang saan ba ang dulo ng aking pagtingin
mga dalanging paulit ulit kong ibig sambitin

sinabing mong mahal mo ako
ngunit bakit wala ka sa tabi ko
ako ang lagi mong binabalikan
ngunit ikaw rin ang laging lumilisan

dinudurog ang puso ko tuwing naaalala kita
ang bawat tamis ng alaala habang sinasabing mahal kita
nagbago na nga ba ang ihip ng hangin
na hindi na ako, hindi na ako ang iyong dinadalangin

mali bang humingi ng pahiwatig na marinig ko na maaari pa ,na pwede pa
ngunit ipinag damot mo ang salitang mahal pa rin kita
wala na akong panghahawaka pa dahil nagmula na sa iyo
ng sabihin mong tapos na tayo.
hanggang ngayon image
I BUILT MY SITE FOR FREE USING