balik tanaw

natatandaan ko pa nung umpisa

nagkita tayo  at ikay tuwang tuwa

niyakap mo ako

ramdam ko ang init mo

ang init ng pagmamahal mo

sa init na iyon nagsimula ang lahat

naramdaman ang sinasabing dapat

sumibol sa kawalan

naramdaman ang pag asa sa pinaka inaasahan

sa init din iyon nagsimulang maglagas

maglagas ng pag ibig na iniisip na wala ng wakas

isa isa, unti unti, dahan dahan

nangangarap na hindi na dumating ang kahili hulihan

hanggang sa..

hanggang sa tuluyan ng nawala ang init

ang yakap mo'y nawalan na rin ng higpit

nagulat nalang ako, wala ka na sa tabi ko

naiwan akong mag isa

giniginaw..

nilalamig...

nanginginig...

naghihintay ng init

habang mga matay naka pikit


I BUILT MY SITE FOR FREE USING